Hepe ng Pasay at Muntinlupa Police, sinibak ni Albayalde

By Ruel Perez February 09, 2018 - 05:14 PM

Inquirer File Photo

Sinibak na sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang mga hepe ng pulisya sa Pasay City at Muntinlupa City.

Ito ay makaraang maaktuhan ni Albyalde ang ilang pulis sa Police Community Precinct (PCP) sa nasabing mga lugar na nag-iinuman at tulog habang sila ay naka-duty.

Ang sinibak ay sina Pasay City Police chief, Sr. Supt. Dionisio Bartolome at si Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Dante Novicio.

Ayon kay Albayalde, bilang prinsipyo ng ‘command responsibility’ dapat managot din ang mga hepe ng pulis na nadatnang nagpapabaya sa tungkulin.

Samantala, inalis din sa pwesto ang chief of police ng San Juan City na si Sr. Supt. Lawrence Coop dahil naman sa kabiguang maabot ang target performance matrix ng PNP.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Muntinlupa, NCRPO, Pasay, PNP, san Juan, Muntinlupa, NCRPO, Pasay, PNP, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.