Pre-trial sa kasong plunder kay Sen. Bong Revilla, ipinagpaliban

By Erwin Aguilon September 30, 2015 - 10:31 AM

revilla sandigan plunder 93015Ipinagpaliban ng 1st Division ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong plunder nina Sen. Bong Revilla, Atty. Richard Cambe at Janet Lim-Napoles.

Ito ay matapos sabihin ng prosekusyon at depensa na hindi pa sila tapos sa markings of evidence.

Dahil dito, humiling din ang magkabilang kampo ng karagdagang araw para sa preliminary conference kung saan ginagawa ang pre markings.

Itinakda ng korte sa Pebrero 4, 2016 ang pre-trial sa kaso.

Samantala, sa maikling panayam kay Revilla, sinabi nito na kung hindi siya nakakulong ay tatakbo sana siyang presidente para sa 2006 Elections.

Malaki ang paniwala ni Revilla na malaki sana ang tsansa n’ya sa panguluhang posisyon.

TAGS: AttyRichardCambe, BongRevilla, JLN, sandiganbayan, AttyRichardCambe, BongRevilla, JLN, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.