Magsasaka inatake ng Kalabaw sa Cebu, patay
Patay ang isang magsasaka makaraang atakihin ng kaniyang alagang kalabaw sa bayan ng Barili sa Cebu.
Nagtamo ng matinding sugat sa kaniyang tiyan at dibdib si Rene Boy Umlay, 27 anyos makaraang suwagin ng kaniyang kalabaw.
Ayon kay PO3 Gilbert Encabo ng Barili Police station, kinuha ni Umlay ang kalabaw mula sa bukid para dalhin sa kaniyang bahay.
Habang nasa daan bigla na lang umanong nagwala ang kalabaw at paulit-ulit na sinuwag ng kaniyang sungay ang biktima.
Naisugod pa sa Barili District Hospital si Umlay pero idineklara doon na dead on arrival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.