Mahgiit 6,000 drug suspects na ang naaresto mula nang ibalik ang war on drugs sa PNP
Umabot na sa mahigit 6,000 ang naarestong drug personalities ng Philippine National Police (PNP) mula nang ibalik sa kanila ang pangunguna sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa datos ng PNP Directorate for Operations, may kabuuang 6,253 na mga drug suspect ang naaresto mula December 5, 2017 hanggang February 8, 2018.
Nasa 53 naman na drug personalities ang nasawi matapos na manlaban sa mga otoridad na nagkasa ng operasyon.
Ang datos ay mula sa 4,058 na ikinasang anti-illegal drug operations ng PNP sa nasabing petsa.
Mayroon naman umaabot sa 1,573 na mga drug personalities ang sumuko mula nang umarangkada ang Oplan Tokhang, pinakamarami ay mula sa PNP Regional Police Office 10 habang 401 naman sumuko sa NCR.
Umabot naman sa 3,456 Oplan Tokhang operations ang ikinasa mula Enero 29 hanggang Feb 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.