Tulong ng Interpol hihingin para maaresto ang mga suspek sa pagpatay sa OFW na inilagay sa freezer

Hihilingin ng mga otoridad sa Kuwait ang tulong ng Interpol para madakip ang mga suspek sa pagpatay sa overseas Filipino Worker (OFW) na nakita ang katawan sa loob ng isang freezer.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, posibleng ang katawan ng 30 anyos na si Joanna Dimapilis ay nasa freezer na mula pa noong November 2016.

May mga indikasyon din umano na siya ay tinorture.

May ugnayan na ang gobyerno ng Pilipinas at ang mga otoridad ng Kuwait para mahanap ang kaniyang mga amo na Lebanese at Syrian.

Samantala, ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, nasa Kuwait Criminal Evidence Department ang katawan ni Dimapilis para maisailalim sa autopsy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...