Kapatid ni Kim Jong Un, dumating na sa South Korea para sa Winter Olympics

AP Photo

Dumating na sa South Korea ang kapatid na babae ni North Korean leader Kim Jong Un na si Kim Yo Jong.

Si Kim Yo Jong ay bahagi ng high-level diplomatic delegation ng North Korea para sa Winter Olympics.

Itinuturing na makasaysayan ang paglapag ng eroplano at pagtapak ni Kim Yo Jong sa South Korea dahil siya ang kauna-unahang miyembro ng ruling dynasty ng Pyongyang na nagtungo sa South Korea simula noong sumiklab ang Korea War.

Ang huling miyembro ng pamilya Kim na nagtungo sa Seoul ay ang kanilang lolo na si Kim Il Sung noong 1950.

Tatlong araw na mananatili si Kim Yo Jong sa Seoul kung saan dadaluhan niya ang opening ceremonies ng Olympics.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...