Moratorium sa pagbibigay ng lisensya para sa mga casino sa bansa iniutos ni Pangulong Duterte
Pinahihinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasok at pagkakaroon ng mga bagong casino sa bansa para maiwasan ang over supply sa industriya.
Ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, nag-utos ang pangulo ng moratorium dahil ayaw nitong maging crowded ang casino industry.
Dahil dito, hindi na magpo-proseso ang PAGCOR ng mga aplikasyon para sa gaming licenses.
Sa ngayon ay nakabinbin sa ahensya ang apat na aplikasyon para makapag-operate ng casino, karamihan ay mula sa mga lokal na negosyante.
Sa unang bahagi ng 2017, nagtala ang PAGCOR ng kita mula sa casino na P88 billion, mas mataas ng 12 percent kumpara noong 2016.
Dahil bawal ang sugal sa maraming bansa sa Asya, umunlad ang sektor sa bansa at nagbigay ng libo-libong trabaho bukod sa pagdating ng maraming turista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.