Dagdag na ebidensya sa kasong katiwalian ng vs Ex P-Noy, isinumite sa DOJ

By Erwin Aguilon February 09, 2018 - 01:45 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsumite ngayon ng karagdagang ebidensya si Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica sa tanggapan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II may kaugnayan sa reklamong katiwalian laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Belgica, para maisakatuparan ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona ay ginamit ng Aquino administration ang Disbursement Acceleration Program at pork barrel fund para gamiting panuhol sa kongreso at senado.

Nag-ugat anya ang pagpapatalsik kay Corona dahil sa kautusan ng Supreme Court na ipamahagi sa mga farmer beneficiaries ng P1.3 billion na pinagbentahan sa 500 hectares na lupain sa RCBC at 81 hectares sa Bases Conversion and Development Authority para sa Subic-Clark Tarlac Expressway ng Hacienda Luicita ng mga Aquino.

Kasama sa mga ebidensiyang isinumite ni Belgica sa DOJ ang listahan ng 74 congressmen na nakatanggap ng DAP noong November 23, 2011 na nagkakahalaga ng kabuuang P819 million kung saan naipamahagi ang unang tranche ng DAP sa mga kongresista sa pagitan ng October 12 at December 31 2011.

Gayundin ang patunay na natanggap ng Office of the Secretary General ng House of Representatives ang article of impeachment noong December 12, 2011 na nai-transmit sa Senado ng sumunod na araw; ang patunay na ang unang tranche ng DAP cross boarder ay naipamahagi sa mga senador sa pagitan ng November 16 at December 22, 2011 at ang listahan ng mga nakinabang na senador.

Iginiit ni Belgica na gustong maulit ng mga kaalyado ni Aquino kay Pangulong Duterte ang sinapit ni Corona na napatalsik sa puwesto kahit walang sapat na ebidensiya sa mga alegasyon laban dito.

TAGS: Benigno Aquino, DOJ, Greco Belgica, Renato COrona, Benigno Aquino, DOJ, Greco Belgica, Renato COrona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.