Panibagong panukala para muling ipagpaliban ang Barangay at SK polls inihain sa kamara
Ipinanukala ngayon ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na muling ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo.
Base sa panukala ni Umali, ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang kongreso sa pagtukoy ng wastong structure ng pamahalaan kapag magbago na ang porma ng pamahalaan patungong federal system.
Iginiit ng kongresista na mas gusto niya na magkaroon ng “no-election” scenario pagsapit ng Mayo sapagkat maiksi na ang panahon kung isasabay pa rito ang plebisito para sa pagpapalit ng Saligang Batas.
Gayunman, sinabi ng mambabatas na ipinapaubaya na lamang niya sa mga kapwa niya kongresista ang pagdedesisyon kung matutuloy o hindi sa target date ang nasabing halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.