Ito ang sinabi ni National Water Resources Board Executive Director Dr. Sevillo David Jr.
Sa ngayon ay nasa 38 cubic meter ang bawas sa suplay ng tubig sa mga consumers na siniserbisyuhan ng Maynilad at Manila Water. Ayon kay David, maaaring bumaba pa sa 36 cubic meter na lamang ang ipapasa sa mga consumers upang matiyak na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng mga consumers.
Ngayong araw na ito ay pagpapasyahan na kung ilang oras ang ipatutupad na water reduction at water interruption. Sa unang abiso ay maaaring umabot ng 20-oras ang water interruption sa ilang lugar.
“Tinitignan po naming kung paano mapapatagal ang suplay ng tubig dahil nga sa epekto ng El Niño. Kailangang masiguro na maging sapat ito sa pangangailangan natin,” paliwanag pa ni David.
Pitong ahensiya sa pangunguna ng NWRB ang magpapasya sa kung hanggang ilan cubic meters ang ipamamahaging tubig at itatagal ng water interruption.
Agad na mag-aabiso ang NWRB sa opisyal na pasya tungkol dito.
Binigyang diin ni David na seryoso ang problema ng El Niño kaya’t kailangang tiyakin na tatagal ang suplay ng tubig sa Metro Manila.