Pagkakakilanlan ng OFW na natagpuan ng sa loob ng freezer sa Kuwait, tinukoy na ng DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2018 - 12:57 PM

Tinukoy na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakakilanlan ng bangkay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na natagpuan sa loob ng isang freezer sa Kuwait.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, matapos ang isinagawang DNA test sa katawan, nakilala itong si Joanna Daniela Dimapilis.

Si Dimapilis residente ng Sara, Iloilo.

Sa pagtaya, mahigit isang taon nang nasa loob ng freezer ang OFW kaya kinailangang isailalim ito sa DNA para makilala at matukoy din ang sanhi ng kaniyang pagkasawi.

Ayon kay Bello, Lebanese ang among lalaki ni Dimapiles habang Syrian naman ang amo niyang babae.

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Labor and Employment, Joanna Daniela Dimapilis, kuwait, Silvestre Bello, Department of Labor and Employment, Joanna Daniela Dimapilis, kuwait, Silvestre Bello

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.