Malamig na temperatura, naitala sa Tagaytay

By Len Montaño February 09, 2018 - 12:12 PM

File Photo From Neri Miranda’s IG Account

Dahil sa umiiral na Northeast Monsoon o hanging Amihan, naranasan ang mababang temperatura sa Tagaytay na halos kasinglamig na ng sa Baguio City.

Ngayong araw ng Biyernes, bumagsak sa 20 degrees celsius ang temperatura sa Tagaytay.

Una nang sinabi ng PAGASA na aasahan ang pag-iral pa rin ng Amihan hanggang sa susunod na linggo na magbibigay ng malamig na panahon sa bansa.

Buwan ng Pebrero ang kalimitang peak ng Amihan at may natitira pang tatlong weekends kung kailan pwedeng pumunta sa Tagaytay ang publiko para makaranas ng malamig na panahon.

 

 

 

 

TAGS: 20 degrees Celsius, amihan, baguio city, cold temperature, Northeast monsoon, Pagasa, 20 degrees Celsius, amihan, baguio city, cold temperature, Northeast monsoon, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.