Ang paglagda ay ginawa ng pangulo noong February 2 na magreresulta sa libreng irrigation fee sa mga magsasaka na ang pag-aaring lupa ay hindi lalagpas ang sukat sa 8 ektarya.
Sa bersyon ng Senado sa nasabing batas, ang mga magsasaka na may pag-aaring lupa na limang ektarya pababa ang inililibre sa irigasyon pero itinaas ito sa pinal na bersyon.
Samantala, dalawa pang bagong batas ang pinirmahan ni Pangulong Duterte ngayong linggo.
Noong Miyerkules, February 7, nilagdaan din ng pangulo ang RA 10970 na nagdedeklara sa August 25 kada taon bilang National Tech-Voc Day.
Sa parehong araw din nilagdaan ng pangulo ang RA 10971 na lumilikha ng bagong barangay na Poblacion 3 sa Valenzuela, Misamis Oriental.