Free Irrigation Act nilagdaan na bilang ganap na batas ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2018 - 11:58 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang Republic Act No. 10969 o Free Irrigation Service Act.

Ang paglagda ay ginawa ng pangulo noong February 2 na magreresulta sa libreng irrigation fee sa mga magsasaka na ang pag-aaring lupa ay hindi lalagpas ang sukat sa 8 ektarya.

Sa bersyon ng Senado sa nasabing batas, ang mga magsasaka na may pag-aaring lupa na limang ektarya pababa ang inililibre sa irigasyon pero itinaas ito sa pinal na bersyon.

Samantala, dalawa pang bagong batas ang pinirmahan ni Pangulong Duterte ngayong linggo.

Noong Miyerkules, February 7, nilagdaan din ng pangulo ang RA 10970 na nagdedeklara sa August 25 kada taon bilang National Tech-Voc Day.

Sa parehong araw din nilagdaan ng pangulo ang RA 10971 na lumilikha ng bagong barangay na Poblacion 3 sa Valenzuela, Misamis Oriental.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Free Irrigation Act, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Free Irrigation Act, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.