Sa panayam kay Acting Mayor Peña, katawa tawa umano dahil walang basehan ang alegasyon na overpriced ang mga birthday cakes dahil umano bukas sa publiko ang ginawang bidding at nasaksihan ng mga kagawad ng media.
Paliwanag ni Peña, malabnaw ang kaso na isinampa ni dating Makati VIce Mayor Bobby Brillante, at umanoy nagpapatunay lamang na natatakot na ang pwersa ng katiwalian sa mga repormang kanyang ipinatutupad.
Nakuha ng Goldilocks ang kontrata para sa mga nabanggit na birthday cakes.
Kung dati ay nagkakahalaga ng mahigit P320 ang kada piraso ng cake samantalang ngayon nakukuha lamang sa P285 lamang kada piraso.
Naunang naging kontrobersiyal ang birthday cake para mga senior citizens ng Makati City nang ibunyag na ito ay overpriced at negosyo din daw ng pamilya Binay.