Kampo ni Kid Peña tiwala na maibabasura ang kasong graft dahil sa birthday cake

By Ruel Perez September 30, 2015 - 08:39 AM

06penaKumpyansa si Makati City Acting Mayor Romulo Kid Peña Jr. na maibabasura ang kasong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman may kinalaman sa ginawang re-bidding ng kontrata para sa mga birthday cakes na ipinamamahagi sa mga residente senior citizen sa Makati.

Sa panayam kay Acting Mayor Peña, katawa tawa umano dahil walang basehan ang alegasyon na overpriced ang mga birthday cakes dahil umano bukas sa publiko ang ginawang bidding at nasaksihan ng mga kagawad ng media.

Paliwanag ni Peña, malabnaw ang kaso na isinampa ni dating Makati VIce Mayor Bobby Brillante, at umanoy nagpapatunay lamang na natatakot na ang pwersa ng katiwalian sa mga repormang kanyang ipinatutupad.

Nakuha ng Goldilocks ang kontrata para sa mga nabanggit na birthday cakes.

Kung dati ay nagkakahalaga ng mahigit P320 ang kada piraso ng cake samantalang ngayon nakukuha lamang sa P285 lamang kada piraso.

Naunang naging kontrobersiyal ang birthday cake para mga senior citizens ng Makati City nang ibunyag na ito ay overpriced at negosyo din daw ng pamilya Binay.

TAGS: RomuloKidPena, RomuloKidPena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.