Stock ng bigas ng DSWD para sa mga biktima ng kalamidad, sapat pa

By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2018 - 10:57 AM

Hindi pa apektado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nararanasang kakapusan sa suplay ng NFA rice sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay DSWD Sec. Emmanuel Leyco, bagaman karamihan talaga sa bigas na kanilang ibinibigay sa mga biktima ng kalamidad ay NFA rice, maari namang bumili ng commercial rice kung kakailanganin.

Paliwanag ni Leyco, hindi naman limitado ang ahensya sa NFA rice at kung talagang kakapusin na o mauubusan sila ng suplay ng NFA rice ay maaring bumili ang DSWD ng commercial rice.

“Hindi naman tayo limitado sa NFA rice, kung wala talaga tayong NFA rice, pwede naman tayong bumili sa labas,” ani Leyco.

Sa ngayon patuloy ang disaster relief operations ng DSWD sa mga inilikas na pamilya sa Albay dahil sap ag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Leyco, umabot na sa P32 million na halaga ng ayudad ang kanilang naipagkaloob sa mga evacuee sa Albay.

Kabilang dito ang mga pagkain at hygiene kits na kinakailangang ng evacuees.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, dswd, Emmanuel Leyco, evacuees, mayon, Radyo Inquirer, Albay, dswd, Emmanuel Leyco, evacuees, mayon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.