3 hinihinalang miyembro ng Maute-ISIS terror group sa engwentro sa Lanao del Norte

Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng Maute-ISIS terror group sa isinagawang raid ng militar sa bayan ng Pantar sa Lanao del Norte, Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Lieutenant Colonel Eliezer Valdez Jr., commander ng 4th Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army, naka-engkwentro ng mga suspek ang pinagsanib ng pwersa ng mga sundalo at pulis sa Barangay Lumba Punod.

Kabilang sa nasawi ang lider ng grupo na si Omar Daiser at dalawa niyang tauhan.

Si Daiser ay dati nang nakulong. Noong kasagsagan ng giyera sa Marawi, nagawa niyang makalabas ng lungsod at makatakas.

Isinagawa ng joint raiding team ang pagsalakay sa grupo ni Daiser base sa tip na natanggap mula sa concerned citizens.

Nakuha mula sa tatlo ang matataas na kalibre ng baril kabilang ang apat na Armalite rifles, isang M203 grenade launcher, isang Pietro Beretta 9mm pistol at iba’t ibang mga bala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...