Kaso ng hindi pagsunod ng mga ospital sa batas para sa mga Senior Citizen, dumarami
Nagpahayag ng pagka-alarma si Senior Citizen Party list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay kaugnay sa pang-aabuso sa karapatan ng mga nakatatanda.
Ayon kay Aquino-Magsaysay, patuloy na tumataas ang mga kaso ng hindi pagsunod ng mga establisyimento sa RA 9994 o Expanded Senior Citizens’ Act of 2010.
Malinaw anya sa nasabing batas ang pagbibigay ng senior citizen discount at exemption sa value added tax o vat.
Isa anya sa pinakabagong kaso ng hindi pagkilala sa nasabinh batas ang ginawa ng St. Patrick’s Hospital and Medical Center sa Batagas City sa 74-anyos na si Eduardo Borja.
Sinabi ng mambabatas na na-confined overnight si Borja sa isang non-airconditioned na ward na may presyong P600 bawat araw dahil sa minor na sugat sa noo.
Gayunman, umabot sa P201,502 ang hospital bill nito at matapos maalis ang Philhealth benefits bumaba ito sa P136,961.
Hindi anya binigyan ng senior citizen discount at vat exemption na 12 percent si borja ng St. Patrick’s Hospital.
Paliwanag naman ng ospital, sa halip na bawasin ang mga ito ay nagkamali at naidagdag sa bill ng pasyente pero hindi nakipag ugnayan ang St. Patricks’ Hospital sa pasyente ubang ibalik ang sobrang bayad na P85,908.
Dahil dito nagsampa ng kaso si Borja laban sa pangulo ng ospitan na si Dr. Loralie Perez-Miranda, hospital adminiatrator Dr. Michael Perez at medical director na si Dr. Abegayle Machelle Perez-Chua.
Iginiit ng mambabatas na babantayan niya ang pag usad ng kaso upang mabigyan ng katarungan ang pasyente at panagutin ang gahamang ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.