Residential/commercial area sa Sta. Cruz, Maynila, nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2018 - 06:25 AM

Tinupok ng apoy ang ilang residential/commercial unit sa Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 5:05 ng umaga sa mga establisyimento sa tapat lamang ng Isetan Recto at malapit sa LRT.

Limang commercial unit ang nadamay sa sunog na kinabibilangan ng printing shop, vulcanizing shop at iba pa.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog na naideklarang fire out 5:51 ng umaga.

Ayon kay Supt. Jonas Silvano, Manila District fire marshall, sa isang printing press nagsimula ang sunog.

Posibleng ang mga electrical connection sa kisame ng establisyimento ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Radyo Inquirer, Recto AVenue, sta cruz manila, fire incident, Radyo Inquirer, Recto AVenue, sta cruz manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.