12 sugatan sa aksidente sa Lagusnilad sa Lungsod ng Maynila
12 katao ang sugatan, dalawa dito kritikal, isang babaeng pasahero at konduktor ng jeep matapos mawalan ng kontrol ang isang pampasaherong jeepney na bumangga sa railing at tuluyang nahulog sa southbound lane ng Lagusnilad sa Maynila.
Naganap ang aksidente pasado alas tres ng madaling araw kanina.
Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, mayroon umanong iniwasan pedestrian at nasa tapat na ng Manila City Hall galing Baclaran ang jeep ng may iniwasan umanong pedestrian kung kaya napakabig pakaliwa ang driver kaya sumadsad ito sa railings at mahulog sa southbound lane ng Lagusnilad.
Ginagamot ngayon ang mga pasahero sa Philippine General Hospital o PGH habang pinaghahanap naman ang di pa nakilalang driver na tumakas matapos ang insidente.
Sa ngayon nahatak na ng tow truck ng MTPB ang nabanggit na PUJ at bagaman may mga debris pa ng aksidente at may puno pa rin na nakatumba dito galing sa itaas nadadaanan na ito ng mga motorista.
Inabutan ko pa itong isa sa mga pasahero si Kennedy Sol, hinahanap yung kanyang nahulog na celphone, pasahero ng jeep sumakay ng Libertad, at sinasabing mabilis umano ang takbo ng sinasakyang jeepney ng mangyari ang insidente.
13 katao ang lulan ng jeep kasama ang driver, 12 sugatan, 2 nga dito kritikal sa PGH dahil sa malubhang tinamong pinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.