Pondo para sa emergency employment program sa Albay, dinoble ng DOLE

By Kabie Aenlle February 09, 2018 - 03:58 AM

 

Dinagdagan pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang ilalaang pondo para sa emergency employment program para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Nagdesisyon si Labor Sec. Silvestre Bello III na dagdagan ng P30 milyon ang pondo para sa naturang programa, na nangangahulugan ng pag-doble sa naunang inilaang P30 milyon.

Layon ng programang ito na matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa Mayon.

Sa ilalim kasi nito ay mabibigyan ng pansamantalang trabaho ang bawat kinatawan ng pamilya sa mga evacuation centers kung saan sasahod sila ng P290 araw-araw sa loob ng sampung araw.

Samantala, para naman sa mga overseas Filipino workers na ang pamilya ay apektado rin sa Albay, makatatanggap sila ng P3,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), habang ang mga inactive na OFW naman ay mabibigyan ng P1,500.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.