China, nagpadala ng fighter jets sa South China Sea
Inanunsyo ng Xinhua state news agency na nagpadala na ang People’s Liberation Army (PLA) ng China ng mga fighter jets sa pinag-aagawang South China Sea.
Nakasaad sa nasabing report na na-dispatch na sa South China Sea ang mga Su-35 Russian fighter jets para sa isang joint combat mission.
Ayon sa Xinhua, ipagpapatuloy ng PLA air force na gamitin ang kahalagahan ng science and technology, rule of law at magandang pagpa-plano sa kanilang pagsasanay na mapaigting ang abilidad nilang magwagi sa mga “wars in the new era.”
Ayon naman sa Global Times, sinabi ni retired major general Xu Guangyu na ang Su-35 ay mas advanced na kumpara sa mga fighter jets ng China.
Layon aniya ng paggamit nio na maipakitang matibay pa rin ang military cooperation sa pagitan ng China at Russia.
Ang Su-35 ay may kakayanang umatake sa lupa at sa dagat kaya mas mapapaigting nito ang kakayanan ng Chinese air force sa pakikipaglaban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.