Dalawang transport group, nagrambulan

 

Nagrambulan ang mga miyembro ng dalawang grupo ng transport groups sa tapat mismo ng himpilan ng Department of Transportation (DOTr) sa Clark, Pampanga.

Ang dahilan ng pagsusuntukan ng mga ito ay ang jeepney modernization program – hindi kasi sila magkapareho ng opinyon.

Isang grupo ang tutol, habang sang-ayon naman ang isa pang grupo.

Nakita sa CCTV footage sa lugar na paalis na ang pabor sa jeepney modernization na Pasang Masda nang tawagin naman sila ng Samahan ng Tsuper at Operator na tutol sa Phaseout o STOP-Pampanga.

Nagkainitan ang dalawang grupo, dahilan para magsuntukan at magsipaan ang mga ito.

Mabuti na lamang ay tumigil sila nang magpaputok ng warning shot ang security guard sa lugar.

Mismong si Undersecretary Tim Orbos at iba pang empleyado ng DOTr ay napalabas dahil sa gulo.

Bago dinala sa istasyon ng pulis ay pinagharap muna ang dalawang grupo sa opisina ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Read more...