Bangkay ng OFW na namatay sa lindol sa Taiwan natagpuan na
Kinumpirma ni Manila Economic and Cultural Office (Meco) Chairman Lito Banayo na natagpuan na ang mga labi ng Pinay OFW na nawawala makaraan ang magnitude 6.4 na lindol sa Hualien County sa Taiwan noong Martes ng gabi.
Kinilala ni Banayo ang biktima na si Melody De Alba na isang caregiver.
Sinabi sa paunang ulat na nasa labas na ng gusali na kanyang pinaglilingkuran establishmento si De Alba makalipas ang lindol subalit muli siyang pumasok dito para hanapin ang kanyang inaalagaang 80-anyos na lola.
Makalipas ang ilang minute ay gumuho ang nasabing gusali.
Tiniyak naman ni Labor Attache Ceasar Chavez na kaagad nilang aasikasuhin ang pagpapabalik sa bansa ng mga labi ng namatay na OFW.
Sa kasalukuyan ay mayroong 80,000 na mga Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.
Ang Taiwan ang ikatlo sa mga paboritong destinasyon ng mga manggagawang Pinoy ayon naman sa record ng Department Foreign Affairs (DFA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.