Pagbuo ng Benham Rise Develoment Authority iginiit sa Senado
Iminungkahi ni Sen. Sonny Angara ang pagbuo ng BRDA o Benham Rise Development Authority upang pangunahan ang mga gagawing pananaliksik at pag-aaral sa Benham Rise na kilala rin sa tawag na Philippine Rise.
Ayon kay Angara, layon ng Senate Bill 312 na
masiguro na maprotektahan ang karapatan ng Pilipinas sa naturang teritoryo.
Sa pamamagitan ng BRDA, mas mapapadali umano at mas magkakaroon ng koordinasyon sa pananaliksik ng Benham Rise kung may pangunahing ahensya na responsable rito.
Giit ni Angara, mas higit na masisiguro na mga Pilipino ang makikinabang sa Benham Rise kung merong BRDA
Sa ilalim ng nasabing panukala, bubuuin ang BRDA ng NEDA Director General bilang chairman, ang BRDA administrator naman ay itatalaga ng pangulo bilang vice chairman at magsisilbing miyembro ang mga kalihim ng DENR, DOE, DA, DOST, DOF, DOT at tatlong representante mula sa pribadong sektor at NGOs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.