Sa naturang pagpupulong dumalo rin si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay Bello, pinaplantsa na ngayon ng DOLE ang memorandum of agreement sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.
Tinanggap na rin aniya ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ng Kuwaiti government na bumisita sya sa Kuwait sa susunod na buwan.
Sa pagbisita ng pangulo sa Kuwait target na malagdaan ang kasunduan para sa pagbibigay ng dagdag proteksyon sa mga OFW doon.
Pansamantala ayon kay Bello ay tiniyak ng Kuwaiti ambassador na magbibigay ang kanilang pamahalaan ng legal at moral protection sa mga OFW na may reklamo o nagkaproblema sa kanilang pinagta-trabahuan.
Matatandaang nagbanta ang pangulo na ipupull-out niya ang mga OFW o magpapatupad ng deployment ban kapag hindi inayos ng Kuwaiti government ang pagtrato sa mga manggagawang Filipino.
E