Pangulong Duterte bibisita sa Kuwait, memorandum of agreement para sa mga OFW ikinakasa na

By Chona Yu February 08, 2018 - 11:42 AM

Matapos magbanta ng deployment ban, nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte si Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh sa Malakanyang.

Sa naturang pagpupulong dumalo rin si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello, pinaplantsa na ngayon ng DOLE ang memorandum of agreement sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.

Tinanggap na rin aniya ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ng Kuwaiti government na bumisita sya sa Kuwait sa susunod na buwan.

Sa pagbisita ng pangulo sa Kuwait target na malagdaan ang kasunduan para sa pagbibigay ng dagdag proteksyon sa mga OFW doon.

Pansamantala ayon kay Bello ay tiniyak ng Kuwaiti ambassador na magbibigay ang kanilang pamahalaan ng legal at moral protection sa mga OFW na may reklamo o nagkaproblema sa kanilang pinagta-trabahuan.

Matatandaang nagbanta ang pangulo na ipupull-out niya ang mga OFW o magpapatupad ng deployment ban kapag hindi inayos ng Kuwaiti government ang pagtrato sa mga manggagawang Filipino.

E

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: kuwait, Kuwaiti Government, Overseas Filipino Workers, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, kuwait, Kuwaiti Government, Overseas Filipino Workers, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.