Nagpapakilalang NBI agent, arestado makaraang mahulihan ng droga sa QC

By Jong Manlapaz February 08, 2018 - 11:27 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang isang nagpapakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisilbi ng search warrant sa No. 15-C, St. Joseph Street, Paradise Village, Brgy. Sangaandaan, Project 8 Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) chief Police Chief Insp. Ferdy Mendoza, ang suspek na si Jaime Gonzaga, 36 anyos alyas “Jake Alcaraz” ay minsan nang nakulong dahil din sa droga.

Sinabi ni Mendoza na naging subject si Gonzaga ng search warrant matapos nila matunugan na muling bumalik ang suspek sa bisyo at pagbebenta ng bawal na gamot.

Mariin namang itinaggi ng suspek na sa kaniya ang nakuhang shabu pero aminado siya na pagmamay-ari niya ang mga drug paraphernalia na sinubukan pa niyang itapon sa CR.

Ayon naman kay Brgy. Sangandaan Capt. Rolan Quitorio, minsan nilang pinuntahan ang suspek, pero nagpakilala itong ahente ng NBI at nanunutok ng baril.

Paibaiba rin umano ang sinasabing pangalan nito.

Nakuha rin sa suspek ang isang bullet proof vest na ginagamit umano niyang proteksyon.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug suspect, Illegal Drugs, NBI Agent, quezon city, War on drugs, drug suspect, Illegal Drugs, NBI Agent, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.