Pagbili ng vote counting machines na gagamitin sa 2019 polls pinaiimbestigahan sa Kamara

Nais ng minorya sa kamara na imbestigahan ang pagbili ng vote counting machines ng Commission on Elections (Comelec) na gagamitin para sa 2019 midterm polls.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, sabit ang Smartmatic sa isyu ng pandaraya sa 2016 presidential elections kung saan marami pang nakabinbin na election protest.

Nagtataka si Suarez kung bakit ang Smartmatic pa rin ang kinuha ng Comelec gayung sangkot na ito sa iregularidad noong nakalipas na eleksyon.

Bukod dito, ang mga makinang gagamitin ang mga makinang nirentahan noon at ginamit din noong 2016 elections.

Nasa 97,000 vcms ang binili ng Comelec sa Smartmatic noong Disyembre na aabot sa P2.2 billion.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...