Korean Embassy nag-donate ng P10M sa Philippine Red Cross bilang tulong sa mga evacuees sa Albay

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2018 - 10:56 AM

Red Cross Photo

Nagbigay ng P10 milyon donasyon ang Korean Embassy sa Philippine Red Cross para maipangtulong sa relief operations sa libu-libong pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Tinanggap ni PRC Chairman Richard Gordon ang donasyon mula kay Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, Minister Counselor Kyun Jongho, at Chief Economist Mabellene Reynaldo.

Pinasalamatan naman ni Gordon ang Korea sa nasabing tulong na gagamitin para matugunan ang maraming pangangailangan ng mga evacuees sa Albay.

Kabilang sa mga bibilhin mula sa donasyon ng embahada ng Korea ang mga hygiene kits, malinis na potable water at gagamitin din para makapagtayo ng comfort rooms.

Noong nakaraang taon, nagbigay din ang Korean Embassy ng mahigit P5 million na humanitarian assistance sa PRC para sa relief operations sa mga pamilyang naapektuhan naman ng giyera sa Marawi.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Korean Embassy, Philippine red Cross, Radyo Inquirer, Korean Embassy, Philippine red Cross, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.