Arestado ang tatlong drug suspects sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Quezon police Director Sr. Supt. Rhoderick Armamento ang unang suspek na si Ricardo Mojico, 34 anyos ay nadakip sa buy-bust operation in Barangay Cotta sa Lucena City.
Si Armamento na itinuturing na “notoryus” sa pagbebenta ng shabu ay nakuhanan ng sachet ng ipinagbabawal na gamot na tumitimbang ng tatlong gram at nagkakahalaga ng P5,550.
Naaresto din sa hiwalay na operasyon si Allan Avila, 36 anyos nang salakayin ang kaniyang bahay sa Barangay Sta. Maria sa bayan ng Calauag.
Nakuha mula kay Avila ang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P740, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Samantala, naaresto ang ikatlong suspek na si Joenard Garcia alyas Jr sa Barangay Lagyo, sa Gumaca.
Nakuha naman kay Garcia ang apat na sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa isinagawang paghahalughog sa kaniyang bahay.
Ayon kay Armamento ang tatlo ay pawang nasa drug watchlist ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.