Bagong Twitter account ni US Security whistleblower Edward Snowden, patok sa Twitter

By Jay Dones September 30, 2015 - 05:58 AM

edward snowdenMistulang artistang umani agad ng libu-libong followers sa Twitter ang dating US National Security contractor na si Edward Snowden.

Si Snowden ang nagsilbing whistleblower na nag-leak o nagpakalat ng mga sensitibong impormasyon ukol sa malawakang intelligence gathering at surveillance programs ng National Security Agency ng Amerika noong 2013.

Ilang oras lamang matapos nitong magbukas ng account sa micro-blogging site kahapon, umabot na sa mahigit 400,000 ang mga followers nito at patuloy pa itong nadaragdagan.

Unang tweet ni Snowden na gumagamit ng Twitter handle na @snowden ang mga katagang “Can you hear me now” na hango sa isang tv commercial ng isang cellphone provider.

Sa kanyang profile, sinabi nito na siya ay dating nagtatrabaho sa gobyerno ng Amerika, ngunit ngayon ay nagtatrabaho na para sa publiko.
Bagamat halos kalahating milyon na ang kanyang followers, iisa lamang ang kanyang sinusundang account.

Ito ay ang account ng dati niyang pinagtatrabahuhan, ang National Security Agency na gumagamit ng Twitter handle na @NSAGov.

Matapos ibunyag ang mga intelligence surveillance na ginagawa ng NSA, tumakas si Snowden at namamalagi na ngayon sa Russia.

TAGS: edward snowden twitter, edward snowden twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.