8 sugatan sa pagsabog sa fiesta sa North Cotabato
Sugatan ang walong katao makaraang bulabugin ng pagsabog ang pagdiriwang ng fiesta sa Banisilan, North Cotabato.
Ayon kay Sr. Inspector Wilson Mangcay, hepe ng Banisilan police station, naganap ang pagsabog sa isang plaza, habang ipinagdiriwang ang 36th foundation anniversary ng bayan.
Karamihan umano sa mga nasugatan ay kaanak ni Sanny Khadil, kapitan ng Barangay Tinimbacan kaya pinaniniwalaang ‘rido’ o away pamilya ang motibo sa krimen.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Pinggawi Khadil, Jeffrey Salunayan, Joel Amas, Samrud Mamukaw, Datu Ali Mamukaw, Siraduna Pananggulong, Pedro Labosares at Esmael Cañedo.
Hinagisan umano ng granada ang mga biktima habang nasa loob sila ng isang makeshift na booth ng barangay.
Patuloy pang inaalam kung sino ang suspek sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.