Mga open pit mining, pinabobomba ni Pangulong Duterte sa Air Force

By Chona Yu February 08, 2018 - 09:32 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Philippine Air Force na bagsakan ng bomba ang mga open pit mining sa bansa.

Sa pakikipagpulong kagabi ng pangulo sa mga nagbalik-loob na rebelde, sinabi nito na hindi niya maatim na makita ang nga kabundukan na mistulang nakatihayang tansan.

Dagdag ng pangulo, mahigpit ang kanyang bilin kay Environment Secretary Roy Cimatu na huwag payagan ang open pit mining sa Pilipinas.

Nakadidismaya ayon sa pangulo na dahil sa pagmimina ay pinuputol ang mga punong kahoy dahilan kung kaya nakakalbo ang kagubatan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DENR, open pit mining, Radyo Inquirer, roy cimatu, DENR, open pit mining, Radyo Inquirer, roy cimatu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.