Dating Pangulong Aquino at Butch Abad, maaring ipakulong kapag hindi sumipot sa Dengvaxia hearing ng kamara
Maaring ipakulong sa kamara sina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Budget Secretary Butch Abad kung hindi sisipot sa pagdinig kaugnay sa Dengvaxia controversy.
Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Surigao Rep. Johnny Pimentel, naniniwala naman siya na dadalo sa pagdinig ang dating pangulo at si Abad.
Paliwanag nito, maaring sapitin ng dalawa ang dinanas ng tinaguriang ‘Ilocos 6’ kung hindi makikipagtulungan sa kanilang imbitasyon.
Mayroon anyang kapangyarihan ang kamara sa ilalim ng batas na magpaaresto at magpakulong ng isang indibidwal kapag ang mga ito ay nai-cite for contempt.
Matapos anya ang susunod nilang pagdinig bago matapos ang buwan maari na silang maglabas ng resulta ng isinagawang imbestigasyon in aid of legislation ang kanyang komite at ang House Committee on Health.
Nauna rito, inaprubahan ng komite na ipatawag si Aquino at Abad upang tanungin sa iba pang detalye ng transaksyon sa Dengvaxia vaccine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.