Paninda sa paligid ng mga evacuation center sa Albay, susuriin dahil sa pagdami ng tinatamaan ng diarrhea

By Jan Escosio February 08, 2018 - 08:40 AM

Kuha ni Jan Escosio

Plano ng pamahalaang panglalawigan ng Albay na magsagawa ng inspeksyon sa mga itinitindang pagkain sa paligid ng mga evacuation center.

Ayon kay Cedric Daep, pinuno ng Albay Public Safety and Management Office, ito ay dahil sa patuloy ng pagdami ng mga evacuees na nagkaka-diarrhea.

Aniya simula nang pumutok ang balita kaugnay sa kontaminadong tubig sa ilang evacuation centers ipinag-utos na ni Gov. Al Bichara na tiyakin purified water lang ang iinumin ng mga evacuees.

Sinabi ni Daep na nangontrata na sila ng mga refilling station sa bawat apektadong lungsod at bayan para mag-supply ng purified water sa mga evacuation center.

Habang ang tubig naman na ‘for domestic use’ o iyong pangligo at panghugas ay sinusuplay ng Philippine Red Cross, Provincial Engineering Office at Bureau of Fire Protection.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, diarrhea, Mt Mayon, Public Safety and Management Office, Radyo Inquirer, Albay, diarrhea, Mt Mayon, Public Safety and Management Office, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.