Dahil malapit na umabot sa spilling level ang Magat Dam na nasa bayan ng Ramon, Isabela, nagdesisyon na ang pamunuan ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System na magpakawala na ng tubig mula dito.
Ayon kay NIA-MRIS operations Manager Wilfredo Gloria, umabot na ang antas ng tubig sa 192.52 meters above sea level (masl), na kaunti na lang ay sasampa na sa 193 masl spilling level.
Nagbukas na ng isang spillway gate na may taas na isang metro noong Linggo ang mga namamahala sa nasabing dam.
Ito ay dahil sa mga mabigat na pag-ulan na sa Magat watershed nitong mga nagdaang araw.
Samantala wala namang naitalang pag-ulan sa mga lugar ng Banaue, Dupax, Hingyon, Santo Domingo, Dantor, at Dumayup watersheds na dumidiretso sa Magat reservoir.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.