WATCH: Reach out operations ng DSWD sa Maynila, nauwi sa tensyon

Kuha ni Mark Makalalad

Nauwi sa tensyon ang pagdampot sa mga street children ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Maynila.

Ang ibang mga magulang kasi, nagalit makaraang damputin ang kanilang mga anak.

Pero paliwanag ng MDSW, ikinasa nila ang reach out operations matapos nila makatanggap ng reklamo mula sa mga barangay chairman kaugnay sa mga batang nasa kalsada pa kahit gabi na.

Sa kabuuan, aabot sa 23 bata ang nasagip ng MDSW.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...