Ito ay sinabi ng opisyal sa isang panayam na ipinost sa kanyang Facebook page.
“There will come a time when China‘s might had ceased, when we will have to thank them for the islands because it is only the Philippines that can legally build on those artificial islands,” ani Roque.
Ngunit mangyayari lamang anya ito kung mapapapayag ng Pilipinas ang China na lisanin ang mga itinayong artificial islands.
“Clearly, eventually, those artificial islands will be ours if we can ask China to leave the islands,” dagdag ng opisyal.
Matatandaang noong July 2016, pinaboran ng Permanent Court of Arbitration ang inihaing diplomatic protest ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Aquino laban sa China sa pagsasagawa nito ng reclamation sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Ang nasabing desisyon ng international court ay hindi naman tinanggap ng China at ipinagpatuloy ang reclamation at militarisasyon sa mga artificial islands.
Nitong Lunes, eksklusibong inilathala ng Inquirer.net ang aerial photographs na nagpapakita na halos natapos na ng China ang isinasagawang reclamation.
Ang mga litrato ay nakunan mula noong Hunyo hanggang Disyembre noong nakaraang taon.
Gayunman, iginiit ni Roque na wala namang bago sa mga nasabing isla kung pagbabasehan ang mga larawan.
“There is nothing new happening in the islands now,” ayon sa opisyal.
Sinabi ng opisyal na naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas sa umano’y militarisasyon ng China sa teritoryo ngunit hindi naman anya pwedeng minu-minuto na magprotesta ang bansa.
“They are saying we should protest. We did that. Do you want to protest every minute, every day?” he added. “What else will the DFA [Department of Foreign Affairs] do if that is the case? But the truth of the matter is, better to have friendly relations now because while we can’t stand up to them. Let’s not give them the opportunity to use their weapons in these artificial island against us”, ani Roque.
Muling iginiit ng opisyal na hindi maghahamon ng giyera ang Pilipinas laban sa China.