Ex-PNoy, pinadadalo sa imbestigasyon ng Kamara sa Dengvaxia
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa maanomalyang anti-dengue vaccines ay muling inimbitahan si dating Pangulong Benigno Aquino III na dumalo sa pagdinig ng Kamara.
Kung dadalo sa imbestigasyon ng mababang kapulungan ay ito na ang ikalawang beses na magbibigay ng testimonya si Aquino matapos dumalo sa pagdinig din ng Senado ukol sa kontrobersiya.
Sa pagdinig na isinasagawa ng House Committees on Good Government and Public Accountability and Health ay sinabi ni Buhay Party-list Rep. Jose ‘Lito’ Atienza Jr. na tanging ang dating pangulo lamang ang makapagbibigay linaw ukol sa pagbili at distribusyon ng Dengvaxia vaccines.
Sa kanyang mosyon ay iginiit ni Atienza na nais nilang malaman ang mga tunay na isyu sa likod ng mga bakunang ito.
Partikular na aalamin ay kung paano nagkaroon ng pondo para sa Dengvaxia at kung plinano ba ito para sa halalan.
Ang naturang mosyon ni Atienza ay pinaboran naman ng chairman ng Committee on Good Government and Public Accountability na si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.