Ikatlong most wanted sa Western Mindanao, napatay sa engkwentro

By Kabie Aenlle February 08, 2018 - 03:54 AM

Napatay ng mga otoridad sa isang engkwentro ang ikatlong most wanted person sa Western Mindanao, na siya ring number 1 naman sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa hepe ng pulisya sa bayan ng Dinas na si Senior Insp. Felixberto Rule Jr., nakabakbakan ng mga pulis si Salik Abdulkarim Samin alyas Commander Karding sa Dinas, Zamboanga del Sur.

Isinilbi ng mga pulis kay Samin ang mga warrants of arrest laban sa kaniya kaugnay ng mga kasong murder at illegal possession of firearms.

Nagtangka umanong tumakas mula sa mga pagkakaaresto si Samin sa pamamagitan ng pagsakay sa isang motorboat habang nakikipagbarilan sa mga humahabol sa kaniyang pulis sa Sitio Matab-ang sa naturang bayan.

Ayon kay Dinas Mayor Felicito Chavez, si Samin ay dating kabilang sa Ambol Group sa kanilang bayan na sangkot sa mga pagpatay, pangingikil, pamimirata at pagbebenta ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.