Dalawa sa mga dinukot na sina John Ridsdel at Robert Hall ay mga Canadian samantalang si Kjartan Sekkingstad ay isang Norwegian.
Pilipina naman ang isa pang bihag na nakilalang si Marites Flor.
Ayon kay Duterte, kanyang nakausap ang mga ambassador ng Norway at Canada ang hinihiling mga ito na tulungan silang ligtas na mapalaya ang mga bihag.
Una nang ibinunyag ni Duterte na dinala na sa Sulu ang mga biktima at iti-nurn over na sa isang grupo ng bandidong Abu Sayyaf.
Hiniling naman ni Duterte sa mga may hawak na apat na kidnap victim na huwag sasaktan ang mga ito.
Kanya na rin aniyang hiningi ang tulong ng mga tauhan ng Moro National Liberation front na tulungan siyang makipag-ugnayan sa mga lider ng Abu Sayyaf group na may hawak sa mga dayuhan at sa Pinay.