Ambassadors ng Canada at Norway, humingi ng tulong kay Mayor Duterte

By Jay Dones September 30, 2015 - 05:51 AM

marina-samalHumihingi ng tulong ang mga embahada ng Norway at Canada kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang ligtas na mapalaya ang apat na dinukot ng mga armadong grupo sa Samal Island kamakailan.

Dalawa sa mga dinukot na sina John Ridsdel at Robert Hall ay mga Canadian samantalang si Kjartan Sekkingstad ay isang Norwegian.
Pilipina naman ang isa pang bihag na nakilalang si Marites Flor.

Ayon kay Duterte, kanyang nakausap ang mga ambassador ng Norway at Canada ang hinihiling mga ito na tulungan silang ligtas na mapalaya ang mga bihag.

Una nang ibinunyag ni Duterte na dinala na sa Sulu ang mga biktima at iti-nurn over na sa isang grupo ng bandidong Abu Sayyaf.
Hiniling naman ni Duterte sa mga may hawak na apat na kidnap victim na huwag sasaktan ang mga ito.

Kanya na rin aniyang hiningi ang tulong ng mga tauhan ng Moro National Liberation front na tulungan siyang makipag-ugnayan sa mga lider ng Abu Sayyaf group na may hawak sa mga dayuhan at sa Pinay.

TAGS: Rodrigo Duterte, samal kidnapping, Rodrigo Duterte, samal kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.