Nangako ang Department of Transportation na bibigyang pabahay ang 150 pamilya na maaapektuhan ng pagtatayo ng Southwest Integrated Terminal Project sa Parañaque City, ayon sa Presidential Commission on Urban Poor (PCUP).
Ayon kay PCUP general counsel Jon Jamora, sinabi ni DOTr Undersecretary Tim Orbos at Assitant Secretary Mark de Leon na patuloy silang makikipag-ugnayan sa komisyon.
Ipinahayag ni Jamora na kasama sa pagtutulungan ng DOTr at PCUP ang isang bilyong pisong social preparation fund para 101,000 mahihirap na pamilya na maaapektuhan ng SouthRail project mula Tutuban hanggang Bicol.
Pinasalamatan naman ng PCUP ang DOTr sa kanilang suporta sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na “no demolition without relocation.”
Dagdag ni Jamora, ang pangako ng DOTr at patunay sa pangako ng pangulo walang mahihirap na maiiwang walang tirahan sa pagpasok ng bansa sa “golden age of infrastructure.”