6 na ang patay, 76 nawawala dahil sa lindol sa Taiwan

By Kabie Aenlle February 08, 2018 - 03:28 AM

Hindi bababa sa anim ang nasawi habang 76 ang nawawala matapos yanigin ng malakas na lindol ang Taiwan na nagdulot ng pagtumba at pagguho ng mga gusali.

Nasa apat na midsized na gusali ang pinakamatinding naapektuhan sa Hualien county na tumumba at gumuho pagkatapos ng lindol.

Ito ang naging resulta ng tinatawagna soil liquefaction kung saan lumalambot ang lupa sa ilalim ng mga gusali dahil sa pagyanig na idinulot ng lindol.

Puspusan naman ang pagsisikap ng mga rescuers upang mahanap ang iba pang mga nawawala at masagip ang mga biktimang buhay pa at na-trap lang sa ilalim ng mga debris.

Ayon sa National Fire Agency ng Taiwan, aabot sa 256 ang nasugatan dahil sa lindol at anim ang nasawi, bagaman ang sinasabi sa report ng Central News Agency ay umabot na ito sa pito.

Nagdulot din ito ng kawalan ng kuryente sa libu-libong mga tahanan at establisyimento, kasabay ng pagkasira din ng mga kalsada.

Tiniyak naman ni Taiwanese President Tsai Ing-wen ang kaniyang mga mamamayan na gagawin ng mga rescuers ang lahat para masagip ang lahat ng mga survivors.

Iniutos niya sa mga ito na ituloy lang ang paghahanap at pagsasagip sa mga tao, habang iniingatan din ang kanilang mga sarili.

Sa ngayon ay nasa shelters muna ang mga naapektuhang residente lalo’t nakakaranas pa rin ng aftershocks ang ilang bahagi ng Taiwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.