Mga sumukong NPA members sa Mindanao dumalaw sa Malacañang

By Den Macaranas, Rohanisa Abbas February 07, 2018 - 07:36 PM

PRESIDENTIAL PHOTO

Sumuko sa mga otoridad ang may 130 myembro at tagasuporta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa bayan ng Sumilao, Bukidnon.

Ilan sa mga sumuko sa militar ay dalawang regular na miyembro ng CPP-NPA, tatlumpu’t limang miyembro ng Militia ng Bayan at 93 mass base supporters ng CPP-NPA o underground mass organizations.

Isinuko rin nila ang 34 na mga armas, at isang improvised explosive device.

Naganap ang pagsuko makaraang isagawa ng 403rd Infantry Brigade ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang Community Support Program, at patuloy na military operations sa Northern Bukidnon.

Samantala, Umaabot naman sa 215 mga rebel returnees ang personal na hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ngayong hapon.

Bahagi ito ng 683 na mga CPP-NPA members na sumuko mula sa iba’t ibang mga lugar sa Mindanao region.

Sila ay dumating sa Maynila sakay ng C130 ng pamahalaan kung saan ay sinamahan sila ng mga opisyal ng Malacañang sap ag-iikot sa Luneta at Intramuros bilang bahagi ng kanilang de-radicalization program.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na bibigyan ng livelihood program ang mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan.

Sa panayam sa mga rebel returnees, kanilang sinabi na nagpasya silang makipag-tulungan sa peace efforts ng pamahalaan dahil na rin sa pagpapabaya sa kanila ng mga lider-komunista sa bansa.

Nais na rin umano nilang matuldukan ang paghihirap sa kabundukan malayo sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.

TAGS: CPP, duterte, Malacañang, NPA, peace, CPP, duterte, Malacañang, NPA, peace

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.