David Beckham, emosyonal sa pagbabalik-tanaw sa mga biktima ng Supertyphoon Yolanda
Naging emosyonal ang soccer superstar na si David Beckham nang humarap sa United Nations sa New York matapos alalahanin ang pagkamatay ng isang 4 na taong gulang na bata na biktima ng supertyphoon Yolanda may ilang taon na ang nakalilipas.
Si Beckham ay isang UNICEF Goodwill Ambassador na humihimok sa mga miyembro ng UN na gumawa ng mga paraan upang matulungan ang mga kabataan na dumadaan sa hirap sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sa kanyang pagbibigay ng talumpati, sa paglulunsad ng global youth blogging community na Voices of Youth sa harap ng UN General Assembly, inalala nito ang kanyang pagbisita sa Tacloban City, Leyte noong nakaraang taon kung saan personal niyang nakausap ang pamilya ng batang si Viana.
Si Viana ay isa sa libu-libong mga bata na namatay makaraang anurin ng storm surge sa kasagsagan ng ‘Yolanda’.
Inamin ni Beckham na hindi niya makakalimutan ang kuwento ng pamilya ng bata at ng mga residenteng naapektuhan ng Yolanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.