Malacañang: SC hindi nagkamali sa pagkatig sa Martial Law extension
Pinatunayan lamang ng Supreme Court na pabor ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang terorismo sa bansa.
Pahayag ito ng Malacañang matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukwestyun sa Martial Law extension at pagsuspindi ng privielege ng writ of habes corpus ng pangulo sa kabuuan ng Mindanao region.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Malacañang sa naging desisyon ng Supreme Court pabor sa pagpapalawig ng Batas Militar.
Patunay lamang ito ng pagnanais ng pamahalaan na maiwasang kumalat sa iba pang bahagi ng bansa ang Daesh-inspired groups at iba pang local at dayuhang teroristang grupo.
Ayon kay Roque, dahi sa desisyong ito ng Korte Suprema ay higit nitong patataasin ang kumpiyansa ng mga otoridad o law enforcement agencies sa patuloy na pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa publiko.
Dahil sa Martial Law extension ay sinabi ni Roque na mas lalong mabibigyan ng proteksyon ang Mindanao sa panibagong banta ng terorismo.
Tiniyak naman ng Malacañang na patuloy nilang babantayan ang pagpapatupad ng Batas Militar para mapangalagaan ang karapatan ng mga residente sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.