CJ Maria Lourdes Sereno, pinaiimbestigahan ng kamara sa BIR
Inatasan ng House Justice Committee ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Chief Justice Maria Loudes Sereno.
Binigyan ni Rep. Reynaldo Umali, pinuno ng komite ang BIR sa pamamagitan ni Deputy Commissioner for Operations Arnell Guballa ng hanggang February 19 upang maisumite ang report sa komite.
Nais malaman ng komite kung nagbayad ng tamang buwis ang punong mahistrado at kung idineklara nito ng tama ang kanyang mga kinita.
Sa ngayon kasi ayon kay Guballa, nangangalap pa sila ng mga dokumento upang magsagawa ng pormal na imbestigasyon.
Paliwanag ni Guballa, lahat ng naman ng mga inihaing ITR ng mga taxpayers ay kanilang sinusuri kung ang mga ito ay kailangang imbestigahan.
May kaugnayan naman sa SALN ni Sereno, sinabi ni Guballa na wala silang hurisdiksyon dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.